"kahit walang pagkakataong mag-usap ang mga lider ng Iran at Amerika sa Pangkalahatang Asemblea ng UN, sisimulan pa rin ang icebreaker ng dalawang panig." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran nang kapanayamin siya ng CNN. Sinabi niyang ito ay hindi lamang angkop sa pangangailangan ng situwasyon, kundi maging sa mithiin ng mga mamamayang Iranyo na mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa.
Sa kanyang talumpati sa debatehan ng Ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN, sinabi ng Pangulong Iranyo na nagsisikap ang kanyang bansa na mapabuti ang pakikipagtulungan sa mga bansa ng daigdig batay sa prinsipyo ng paggagalangan at pangangalaga sa komong interes. Umaasa rin siyang igagalang ng komunidad ng daigdig ang karapatan ng Iran na gamitin ang enerhiyang nuklear para sa mapayapang layunin.
Sinabi naman ni Pangulong Barack Obama na optimistiko siya sa posibilidad na mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.