Idinaos kahapon sa Beijing ang ika-6 na Peacekeeping Experts' Meeting ng ASEAN Regional Forum(ARF). Dumalo sa pulong ang mahigit 80 kinatawang mula sa UN at 22 miyembro ng ARF. Ang pangunahing paksa ng pulong ay "Pagpapahigpit ng Pragmatikong Kooperasyon ng Pagsasanay, at Pagpapataas ng Pamantayan ng Pagsasanay".
Iminungkahi sa pulong ni Sun Jianguo, Deputy Chief of General Staff ng People's Liberation Army ng Tsina, na dapat patingkarin ang namumunong papel ng UN at koordinasyon ng mga organisasyong panrehiyon sa pagsasagawa ng mga peacekeeping training. Nakahanda aniya ang Tsina na gumawa ng mas malaking ambag, para sa gawaing pamayapa ng UN at kapayapaang pandaigdig.
Sinabi naman ni Herve Ladsous, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN sa Pangangalaga sa Kapayapaan, na dapat pahigpitin ang kooperasyon sa pagitan ng mga kasaping bansa ng UN na nagpadala ng tropa sa ibayong dagat, para harapin ang masalimuot na kalagayan.
Ang ARF ay isang multi-governmental forum sa isyung panseguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ang peacekeeping meeting naman ay mahalagang bahagi nito.