Iminungkahi kamakailan ni Pridiyathorn Devakula, dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na dapat itigil ng pamahalaan ang dalawang taong proyekto na rice pledging scheme. Sinabi niyang dahil dito, apektado ng 425 bilyong Baht na pagkalugi ang pananalapi ng pamahalaan.
Itinanggi naman ang mga ito ni Kittiratt Na-Ranong, kasalukuyang Ministro ng Pananalapi ng Thailand. Sinabi niyang hindi tamang-tama ang impormasyon ni Pridiyathorn Devakula. Pero, hindi niya gustong isapubliko ang kongkretong datos.