Kasama ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, bumisita kahapon sa Chiang Mai, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa proyektong "Isang nayon, Isang produkto" ng lokalidad.
Isinalaysay ni Shinawatra kay Li na ang naturang proyekto ay isang hakbangin ng pamahalaang Thai upang i-promote ang mga may katangiang produkto ng bansa. Sinabi naman ni Li na kapwa may sariling mga katangi-tanging produkto ang Tsina at Thailand. Aniya, puwedeng itatag ng dalawang bansa ang mga plataporma ng pagpapalitan para sa mga produktong ito, para ibayo pang palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai