Binuksan kamakailan sa Luang Prabang, isang kilalang panturistang lugar sa Laos ang Ika-13 Porum ng Turismo ng Silangang Asya, mahigit 100 opisiyal, dalubhasa at mangangalakal mula sa Hapon, Timog Korea, Mongolia, Biyetnam, Laos, Kambodya, Malaysiya at Indonesya ang kalahok sa porum na ito. Dumalo rin ang Lalawigang Yunnan ng Tsina bilang tagapagmasid.
Ang tema ng porum ay "Turismo, isang Mahalagang Elemento para Mapasulong ang Sustenableng Pangangalaga sa Kultura." Sa panahong ito, idinaos ang iba't ibang aktibidad na kinabibilangan ng Pulong ng Pirmihang Lupon ng Porum, Simposyum hinggil sa mga Gawain ng Turismo ng mga Miyembro ng Porum, Perya ng mga Produktong Panturista at Handicraft ng Luang Prabang at iba pa.
salin:wle