Ayon sa ABS-CBN, ipinahayag ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi niya susundin ang Pamahalaan ng Lunsod ng Maynila na nagpasiyang humingi ng paumahin sa 2010 Manila Hostage Crisis.
Inulit ni PNoy sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), ang paninindigan na hindi dapat magpaumanhin ang Pamahalaang Pilipino sa ginawa ng isang hostage taker.
Ipinaliwanag niyang kung hihingi siya ng paumanhin, ituturing itong "legal backlash" kung saan dapat akuin ng Pamahalaang Pilipino ang responsibilidad.