Dadalaw si Manmohan Singh, Punong Ministro ng Indya sa Tsina mula ika-22 hanggang ika-24 ng buwang ito. Bago ang kanyang pagdalaw, kinapanayam siya ng mga mamamahayag ng Indya at Tsina, at sinabi niyang umaasa siyang magsisikap ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, para mapasulong ang komprehensibo at patuloy na pag-unlad ng relasyon ng Indya at Tsina.
Ayon kay Singh mabilis ang pag-lunlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Parehong naging priyoridad ng dalawang bansa ang pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya pa ang matatag na bilateral na relasyon ay mahalaga para sa dalawang bansa, kaya, umaasa siyang ang kanyang pagdalaw sa Tsina ay magpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Bukod dito, ipinahayag din ni Singh na mabunga ang kooperasyon ng Indya at Tsina sa BRICS at iba pang multilateral na kooperasyon, at nakahanda ang Indya na palakasin, kasama ng Tsina, ang pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa sa rehiyon, at isinasaalang-alang niya ang pagtatatag ng economic corridor na mag-uugnay ng Bangladesh, China, India, at Myanmar (BCIM).
salin:wle