Kapuwa humarap sa mga mamamahayag kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina at ang kanyang counterpart na Indiyano na si Manmohan Singh.
Sinabi ni Premyer Li na sa pagdalaw ni Singh, maraming narating na komong palagay ang dalawang bansa at nagpalabas din ang dalawang bansa ng magkasanib na pahayag para itakda ang kinabukasan para sa kanilang estratehikong partnership na pangkooperasyon.
Ipinahayag naman ni Singh na ang pagpapanatili ng magandang relasyon ng Indiya at Tsina ay estratehikong hangarin ng kanyang bansa.
Salin: Jade