Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magdedeploy ang pamahalaan ng gawain hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga dalubhasa sa Tsinghua University nang araw ring iyon, tinukoy ni Xi na dapat mabuting hawakan ang relasyon sa pagitan ng reporma, pag-unlad, at katatagan. Aniya, dapat ibayo pang palayain ang isip, palayain at paunlarin ang produktibong lakas, at palakasin ang kasiglahan ng inobasyon ng lipunan.
Ipinahayag ni Xi na ang pagpapasagana sa bansa sa pamamagitan ng siyensiya at edukasyon ay saligang patakarang pambansa ng Tsina. Aniya, igigiit ng Tsina na ang siyensiya at teknolohiya ay unang produktibong lakas, at ang mga talento ay pinakamahalagang yaman ng bansa. Aniya pa, dapat matuto ng Tsina sa mga maunlad na karanasan sa ibayong dagat, pahigpitin ang reporma sa edukasyon, pataasin ang kalidad ng edukasyon, at mahubog ang mas maraming talento. Samantala, magkakaloob ng mas malawak na espasyo para sa mga talento sa iba't ibang larangan.
Salin: Andrea