Sa Ika-8 East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Transport Ministers' Meeting (TMM) na idinaos kamakailan sa Indonesya, nilagdaan ng Indonesya, Brunei, Malaysia at Pilipinas ang isang serye ng kasunduan na naglalayong palakasin ang konektibidad sa rehiyong ito. Ayon sa plano, isasagawa ng mga miyembro ng BIMP-EAGA ang mga bagong proyektong pangkooperasyon sa larangan ng imprastruktura sa lupa, dagat, at himpapawid para pasulungin ang paglaki ng kabuhayan.
Ayon pa sa ulat, sa larangan ng abyasyon, ipinasiya ng naturang 4 na bansa na dagdagan ang ilang flight sa pagitan ng mga lunsod ng naturang mga bansa. Sa laragan ng transportasyon sa dagat, pinaplano nilang buksan ang mga bagong linyang pandagat para pasulungin ang kalakalan. Bukod dito, itatatag ng nasabing ng mga bansa ang tulay na mag-ugnay sa Indonesya, Malaysia at Brunei.
Ang BIMP-EAGA ay isa sa mga 3 Subregion Cooperation. Ang rehiyong ito ay sumsaklaw ng 1.54 milyong kilometro kuwadrado, at mayroong mga 70 milyong populasyon. Di-maunlad ang karamihan sa mga lugar sa rehiyong ito. Kaya, nanawagan si Mangidaan, Transport Minister ng Indonesya na dapat isagawa ng naturang 4 na bansa ang mas maraming bagong serbisyo sa larangan ng industriya ng transportasyon. Ipinahayag niyang napakahalaga ng konektibidad sa pag-unlad ng BIMP-EAGA. Ang pagsasagawa aniya ng bagong proyektong pangkooperasyon ay makakabuti sa sirkulasyon ng mga paninda at mamamayan, at sa pag-unlad ng negosyo at industriyang panturismo. Ipinahayag din ng kinauukulang dalubhasa ng Indonesya na ang pagpapalakas ng konektibidad ng mga miyembro ng BIMP-EAGA ay makakabuti sa pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad ng kabuhayan sa pagitan ng mga bansang ASEAN. Ipinahayag din ng naturang dalubhasa na ang pagpapalitang kultural ay isang mahalagang nilalaman ng konektibidad. Kasabay ng pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura, dapat palakasin ng mga bansang ASEAN ang pagpapalitan sa kultura.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga bansang ASEAN ang maraming hamon sa proseso ng pagpapabuti ng konektibidad. Halimbawa, iba-iba ang kinauukulang regulasyon ng iba't ibang bansa, at ito ay isang hadlang sa konektibidad sa rehiyong ito. Bukod dito, ang kakulangan sa tsanel ng pangingilak ng pondo ay isa ring problema. Dapat udyukan ng mga pamahalaan ang mas maraming pribadong bahay-kalakal na lumahok sa pamumuhunan ng konstruksyon ng imprastruktura.
Salin:Sarah