Sa isang pahayag na pinagtibay kahapon sa pulong ng UN Security Council (UNSC) tungkol sa pakikipagtulungan ng UN sa mga regional at sub-regional organization sa pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayan ng daigdig, sinabi nitong kakatigan ng UNSC ang pakikisangkot ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) sa mga gawain ng UN para maisakatuparan ang batayang layunin ng Karta ng UN.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na positibo ang Tsina sa importanteng papel ng OIC sa pagpapasulong ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansang Islamiko at diyalogo sa pagitan ng ibat-ibang sibilisasyon. Samantala, kinakatigan din aniya ng Tsina ang pinapalakas na pakikipagtulungan ng UN sa OIC para sa pangangalaga sa kapayapaan at magkasamang pag-unlad ng daigdig.