|
||||||||
|
||
Hiniling kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Wall Street Journal na manatiling walang kinikilingan sa isyu ng Diaoyu Islands.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino ang kahilingang ito pagkaraang himukin ng pahayagan, sa isang online article noong ika-31 ng Oktubre ang Administrasyon ni Barack Obama na buong liwanag na ipahayag ang pagkatig nito sa claim ng Hapon sa Diaoyu Islands.
Inulit ni Tagapagsalita Hong na ang Diaoyu Islands ay likas na teritoryo ng Tsina at batay sa mga dokumento na nilagdaan sa katapusan ng World War II (WWII), dapat ibalik ang mga ito sa Tsina. Ilegal at inbalido aniya ang lihim na pagpapalitan ng mga isla sa pagitan ng Hapon at Estados Unidos noong dekada sitenta.
Binigyang-diin niyang ang tensyon kaugnay ng isyu ng Diaoyu Islands ay ibinunga ng pagtatangka ng panig Hapones na baguhin ang status quo.
Dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino, walang kinalamang panig ang Estados Unidos sa Diaoyu Islands, at dapat itong manatiling walang pinapanigan sa alitan tungkol sa nasabing isyu.
Sinabi pa ni Hong, napuna ng panig Tsino na maraming beses nang ipinahayag ng Pamahalaang Amerikano na hindi ito kikiling sa anumang panig sa isyu ng Diaoyu Islands. Umaasa rin aniya siyang mananatiling obdyektibo at gagampan ng konstruktibong papel ang American Media para malutas ang alitan sa mga islang nabanggit.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |