Ayon sa Japanese media, sa pakikipagtagpo kamakailan ni William J. Burns, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, kay Natsuo Yamaguchi, Puno ng New Komeito, ipinahayag ni Burns na "sa hidwaan ng Hapon at Tsina sa isyu ng Diaoyu Island, kinakatigan ng panig Amerikano ang Hapon." Kaugnay nito, ipinahayag kamakalawa ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na palagian ang paninindigan ng kanyang bansa sa naturang isyu, at hindi ito nagbabago. Walang paninindigan aniya ang Amerika sa isyu ng soberanya ng nasabing isla.
Tungkol dito, sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang panig Tsino na mahigpit na tutupdin ng panig Amerikano ang pangako nitong walang papanigan sa isyu ng Diaoyu Island, at magiging maingat sa pagsasalita at aksyon nito, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano sa aktuwal na aksyon.
Salin: Li Feng