Tinukoy kahapon ni Chaudhry Nisar Ali Khan, Ministro sa mga Suliraning Panloob ng Pakistan na ang pagkakapatay ng Estados Unidos kay Hakimullah Mehsud, Puno ng Taliban, sa pamamagitan ng drone strike ay nauwi sa matinding tensyon sa pagitan ng Pakistan at Amerika.
Sa isang pahayag na pampatakaran sa Pambansang Asemblea, pagkaraang mapatay si Mehsud, ipinahayag ni Ministro Khan na nasira ng aksyong ito ang plano ng Pamahalaang Pakistani na magsimula ng talastasang pangkapayapaan sa Taliban.
Binigyang-diin niyang kahit itinakwil na ng Taliban ang posibilidad ng pakikipagtalakayan sa Pamahalaang Pakistani, buong-sikap pa rin nitong susubukang panumbalikin ang pakikipagtalastasan sa nasabing organisasyon.
Ayon sa ulat ng Pakistani media, sa isang drone attack ng Amerika noong unang araw ng Nobyembre, sa dakong hilaga-kanluran ng Pakistan, mahigit 20 katao na kinabibilangan ni Mehsud ang namatay. Pagkaraan nito, tumangging makipagtalastasan ang Taliban sa Pamahalaang Pakistani at nagbantang gagawa ng ganting-dagok.
Salin: Jade