Ayon sa isang report na inilabas kahapon sa Website ng National Statistics Bureau ng Tsina, nitong 35 taong nakalipas, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, mabilis na umuunlad ang pambansang kabuhayan. Mula noong 1979 hanggang 2012, umabot sa 9.8% ang annual growth rate ng kabuhayan ng Tsina, samantalang 2.8% lamang ang sa buong daigdig.
Anang report, ang sustenableng pag-unlad at bahagdan ng pagtaas ng kabuhayan ng Tsina ay mas mataas at mabilis kaysa sa Hapon at dating umano'y "apat na dragon" ng Asya. Anito, noong 1978, nasa ikasampung puwesto sa daigdig ang GDP ng Tsina, pero, ito ay naging second largest economy, noong 2010. Sinabi pa nitong ang GDP ng Tsina ay bumubuo ng 1.8% ng GDP ng daigdig, noong 1978, pero, ito ay naging 11.5%, noong 2012. Pagkaraang sumiklab ang krisis na pinansyal, ang Tsina ay naging mahalagang puwersa sa pagpapasigla ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa nito.
Tinukoy ng report na ayon sa estadistika mula sa World Bank Group, umabot na sa 5,680 dolyares ang kita ng kada Tsino, noong 2012; mula sa 190 dolyares, noong 1978. Inilagay na ng World Bank ang Tsina sa listahan ng mga bansang may katam-tamang laking kita, at ang tagumpay ng Tsina bilang isang umuunlad na bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig, ay nagsisilbing isang walang katulad na tagumpay, dagdag pa ng report.
Anang report, nitong 35 taong nakalipas, nagtamasa ang mga mamamayang Tsino ng walang katulad na kapakinabangan, na dulot ng reporma at pagbubukas sa labas.