|
||||||||
|
||
Idineklara kahapon ng Pamahalaan ng Syria na ganap na nitong nabawi ang isang base militar sa probinsyang Aleppo, sa dakong hilaga ng bansa.
Samantala, maraming residential area sa kabiserang Damascus ang binagsakan kahapon ng pitong (7) mortar bomb na ikinamatay ng isang sibilyan at tatlong bata. Labing-isa 11 katao ang nagtamo ng grabeng sugat dahil dito. Nasira rin ang mga bahay, tindahan, at sasakyang de motor sa paligid ng sinalakay na purok.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |