Dumalo sa parada ng hukbong panlupa ng Hapon si Shinzo Abe
"Mapapasulong namin ang talakayan tungkol sa pagsasagawa ng patakaran ng collective self defence." Ito ang ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon matapos dumalo sa parada ng hukbong panlupa ng Hapon.
Sinabi ni Abe na sa harap ng umiigting na kalagayang panseguridad, dapat pahigpitin ng Hapon ang pakikipagtulungang panseguridad sa mga bansang may komong interes, sa halip na panatilihin ang ideyang pandepensang di-angkop sa kasalukuyang pangangailangan.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sanhi ng mga dahilang pangkasaysayan, lubos na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang mga aksyong militar ng Hapon sa larangang panseguridad. Umaasa aniya siyang igagalang ng Hapon ang pagkabahala ng mga kapitbansa, gawin nito ang mga bagay na makakatulong sa katatagang panrehiyon, at ititigil nito ang labis na pagkakalat ng bantang panseguridad mula sa labas at konprontasyong militar para sa kanyang dahilang kailangan ng pagpapalakas ng puwersang militar.