|
||||||||
|
||
melo/20131107.m4a
|
MGA NANINIRAHAN SA TABING-DAGAT, INILIKAS. Makikita sa tatlong larawan ang mga naninirahan sa Mercedes, Camarines Norte na inihatid ng mga kawal ng Philippine Army sa mas ligtas na mga pook bilang paghahanda sa super-typhoon na si "Yolanda." May hangin itong may lakas na 278 kilometro bawat oras at pagbugsong 333 kilometro bawat oras, ang sinasabing pinakamalakas na bagyo sa taong 2013. (Mga larawan ng Mercedes Municipal Disaster Risk Reduction Management Office)
GANAP na ikatlo ng hapon, nakita ang mata ng bagyong "Yolanda" ayon sa lahat ng datos na may 571 kilometro sa timog silangan ng Guian, Eastern Samar.
Sa pangyayaring ito, nagsimula ng magsilikas ang mga mamamayan mula sa kanilang mga tahanan patungo sa mga paaralan at mga ligtas na gusaling kinabibilangan ng gymnasium at iba pang malalaking masisilungan.
Ang mga biktima ng lindol sa Bohol ay nagsilikas mula sa kanilang mga tolda upang magkanlong sa nalalabing mga gusali upang makaligtas sa panganib na dala ng pinakamalakas na bagyo sa daigdig ngayong 2013.
May pagbugso ang hanging dala ni "Yolanda" na aabot sa 330 kilometro bawat oras. Ayon sa pamahalaan, makapipinsala ang bagyo sa malawak na pook ng gitna at katimugang Pilipinas sa pagtama nito sa lupa bukas. Wala umanong mga malalaking bundok na makapipigil sa bagyo sa Samar, Leyte at hilagang Mindanao.
Sa balitang mula sa Joint Typhoon Warning Center ng US Navy, may lakas na 278 kilometro bawat oras ang bagyo at may pagbugso na 333 kilometro bawat oras. Ika-24 na bagyo na si Yolandang tumama sa Pilipinas. Karaniwan na ang 20 bagyong tumatama sa bansa taun-taon. Ang hanging dala ni Yolanda ang pinakamalakas sa bansa ngayong 2013.
Nagbabala pa ang PAGASA na patuloy pang lumalakas ang bagyo. May lapad ang bagyong 600 kilometro at inaasahang tatama sa mga naging biktima ng bagyo noong 2011 at 7.1 magnitude na lindol kamakailan. Kabilang dito ang Bohol na pinakapuso ng lindol. Magugunitang higit sa 200 katao ang nasaw. May 5,000 katao ang naninirahan sa mga tolda at naghihintay ng mga tahanan para sa kanilang mga bagong tahanan.
Sa lalawigan ng Albay, inilikas na ang mga naninirahan sa Barangay Tandarora sa Guinobatan, Albay, sa paanan ng Bulkang Mayon. Naunang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology na may mga barangay sa paligid ng bulkan na namimiligrong tamaan ng pagbaha ng putik mula sa mga naunang pagputok ng 2,462 metrong bulkan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |