|
||||||||
|
||
Nilagdaan kahapon ng Iran at International Atomic Energy Agency (IAEA) ang kasunduang nagbibigay-daan sa IAEA na siyasatin ang mas maraming lugar na nuklear ng Iran.
Ayon sa kasunduan, maaari nang suriin ng IAEA ang Arak Heavy-water Reactor Facilities at Gachin Mine sa Bandar Abbas. Pero, hindi nasasaad sa kasunduan ang Parchin Military Complex na nakatawag ng malaking pansin.
Sinabi ni Yukiya Amano, Pangkalahatang Direktor ng IAEA na sa susunod na tatlong buwan, ipapatupad ng kanyang ahensiya at Iran ang nabanggit na kasunduan. Aniya pa, patuloy silang magtatalastasan para malutas ang mga isyung hindi pa inilakip sa kasunduan.
Ipinahayag naman ni Ali-Akbar Salehi, Puno ng Atomic Energy Organization ng Iran, na ang paglagda ng kanyang bansa sa kasunduan ay nagpapakita ng kahandaan nito para tugunan ang duda hinggil sa mga pasilidad nuklear ng Iran, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa IAEA.
Nagpadala rin kahapon ang Iran at Britanya ng Charge d'affaires at Interim sa isa't isa para panumbalikin ang kanilang ugnayang diplomatiko sa antas ng Charge d'affaires. Dalawang taong natigil ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa isyung naturan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |