Nagpadala ngayong araw ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, bilang pagpapahayag ng pakikiramay kaugnay ng malaking kasuwalti at kapinsalaang dinulot ng super typhoon Yolanda.
Sinabi ni Xi na sa ngalan ng mga mamamayang Tsino, nagpapahayag siya ng pakikiramay sa mga mamamayang Pilipino, at ng pagluluksa sa mga nasawi. Nagpahayag din siya ng magandang hangarin na pagtagumpayan ng mga mamamayang Pilipino ang kalamidad, at muling maitayo ang tahanan sa lalong madaling panahon.
Salin: Liu Kai