|
||||||||
|
||
melo/20131112.m4a
|
MGA BALISANG KAMAG-ANAK SA MAYNILA, DUMAGSA SA NDRRMC. Bahagi lamang ito ng mga balisang kamag-anak na humihingi ng tulong upang mabatid ang kalagayan ng mga mahal sa buhay sa Samar, Leyte at iba pang bahagi ng bansang walang komunikasyon. Humihiling sila na tulungan sila ng pamahalaan na alamin ang kalagayan ng kanilang mga kamag-anak. (Melo Acuna)
KANINANG umaga'y ibinalita na ng Pamahalaan ng Pilipinas na 1,774 na ang nasawi samantalang may 2,487 ang nasugatan at may 82 katao ang nawawala mula ng hagupitin ng super typhoon "Yolanda" ang Central Philippines noong nakalipas na Biyernes.
Sa ulat na pinalabas bago nag tanghaling-tapat, nabatid na may 1,387,446 na pamilya na mayrong 6,937,229 katao ang apektado mula sa 7,488 barangay sa 39 na lalawigan, mula sa siyam na rehiyon. Magugunitang mayroong 17 rehiyon sa Pilipinas.
May 127,733 pamilya o 582,303 katao ang nawalan ng tahanan. Mayroong 319,867 ang pansamantalang naninirahan sa 1,135 evacuation centers at mayroong 262,436 katao ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Mayroon ding 21,230 tahanan ang hindi na mapakikinabangan samantalang may 19,946 ang partially damaged mula sa Timog Katagalugan, Kanluran at Silangang Kabisayaan, Davao Region, Hilagang Mindanao at Caraga regions.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |