Hinimok kahapon ni Barack Obama, Pangulo ng Estados Unidos ang Kongreso na huwag nang magpataw ng karagdagdag sangsyon sa Iran para lumikha ng positibong kondisyon para sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinabi ni Obama na ang kasalukuyang sangsyon ay nakapagbibigay dagok sa Iran, at nagsisikap ang E.U. na malutas ang isyung nuklear ng Iran sa diplomatikong paraan, kaya hindi na kailangang dagdagan ang sangsyon sa kasalukuyan.
Iminungkahi ni Obama na dapat obserbahan ng Kongreso nito ang pakikitungo ng Iran, kung di kasiya-siya ang pagsasakatuparan nito ng mga napagkasunduan, maaaring isagawa nito ang ibayo pang sangsyon.
salin:wle