Kasunod ng pagbubukas kahapon ng mga daanan patungo sa relief operation center sa Ormoc, dumating na ngayon ang mga tulong na materyal sa lahat ng lunsod at munisipalidad ng lalawigang Leyte, na grabeng sinalanta sa super typhoon Yolanda.
Isinalaysay ni Kalihim Dinky Soliman ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD), na inihatid na ng dalawang relief operation center sa Tacloban at Ormoc ang 114 na libong sako ng pagkain sa mga apektadong lugar ng Leyte. Aniya, ang bawat sako ay kinabibilangan ng dalawa hanggang tatlong araw na pagkain para sa isang pamilya ng limang tao.
Sa may kinalamang ulat, muling pumunta kahapon si Pangulong Beningo Aquino III sa Tacloban at Guiuan, para suriin ang kalagayan ng kalamidad. Sinabi niyang itinakda na ng pamahalaan ang plano ng rekonstruksyon, at may sapat na pondo para sa relief works. Pero aniya, medyo mahirap na mapanumbalik ang suplay ng koryente sa mga apektadong lugar sa loob ng tatlong buwan. Posibleng maranasan ng mga mamamayan doon ang kadiliman sa kasalukuyang Pasko.
Ayon naman sa estadistikang ipinalabas kagabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, tumaas na sa 3974 ang death toll na dinulot ni Yolanda, samantalang 1186 na iba pa ang nawawala.
Salin: Liu Kai