|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na lumilitaw na ang tunay na pagkakataon para sa paglutas ng isyung nuklear ng Iran.
Winika ito ni Putin sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon kay Pangulong Hassan Rouhani ng Iran.
Ipinahayag naman ni Rouhani ang kanyang pagpuri sa ginawang pagsisikap ng panig Ruso sa isyung nuklear ng Iran.
Noong ika-11 ng Nobyembre, nilagdaan ng Iran at International Atomic Energy Agency (IAEA) ang kasunduang nagbibigay-daan sa IAEA na siyasatin ang mas maraming lugar na pinaniniwalaang may pasilidad-nuklear sa Iran.
Sinabi ni Ali-Akbar Salehi, Puno ng Atomic Energy Organization ng Iran, na ang paglagda ng kanyang bansa sa kasunduan ay nagpapakita ng kahandaan nito para pawiin ang pagdududa hinggil sa mga pasilidad-nuklear ng Iran, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa IAEA.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |