Sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ipininid noong ika-12 ng buwang ito, ang pagpapaluwag sa investment access, kasabay ng pagtugon sa bagong situwasyon ng globalisasyong pangkabuhayan. Ito ay para mapasulong ang maayos at malayang takbo ng domestiko at internasyonal na elemento ng ekonomiya.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, mahigit 30 taon na ang nakakaraan, masigla ang pangangailangan ng Tsina sa pondo, teknolohiya, modelo ng pamamahala, at iba pang maunlad na elemento mula sa ibayong dagat. Kaya, magkakahiwalay na inilabas ng iba't ibang lugar ng Tsina ang mga patakarang preperensiyal tungkol sa lupa, buwis, at iba pa, para maakit ang pamumuhunan at proyektong dayuhan. Ngunit, mayroon pa ring limitasyon ang pamumuhunang dayuhan sa ilang industriya o larangan ng Tsina.
Maliwanag na tinukoy ng nasabing sesyon na dapat itatag ang bagong sistema ng open economy, at puluwagin ang investment access. Tungkol dito, sinabi ni Huo Jianguo, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina:
"Para mas mabuting gamitin ang pamumuhunang dayuhan, kinakailangan ng Tsina ang pantay-pantay na kapaligiran ng pamumuhunan. Dapat gawin ang mga may kinalamang reporma na kinabibilangan ng sistema ng market access at sistema ng pagkuha ng permisyon, para magkaroon ng isang mas bukas na pamilihan. "
Ipinalalagay naman ni Mei Xinyu, Dalubhasa ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na posibleng malutas ang mga isyung panloob sa pamamagitan ng pagtingin at pagsusuri sa mga pandaigdigang perspektibong pang-ekonomiya. Sinabi niyang:
"Ang kabuhayang Tsino ay isang mahalaga, at hindi maaaring mawalang bahagi ng kabuhayang pandaigdig. Magiging mas madali ang paghahanap ng solusyon sa mga isyung panloob, kung titingnan at susuriin ang mga pandaigdigang perspektibong pang-ekonomiya."