Dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila ang unang grupong panaklolo ng Tsina. Nakatakdang dumating naman sa Pilipinas ngayong araw ang hospital ship na "Peace Ark" ng tropang pandagat ng Tsina.
Binubuo ang 18 miyembrong grupong panaklolo ng mga tauhan na namamahala sa paghahanap at pagliligtas sa mga biktima, tauhang medikal, at community workers. Tutungo sila sa Tacloban City sa lalong madaling panahon, para isagawa ang 15 araw na gawaing panaklolo roon.
Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong hapon ang isa pang grupong panaklolo ng Tsina.
Nakatakda ding umalis ngayong araw ang hospital ship na "Peace Ark" ng Tsina patungo sa Pilipinas para lumahok sa gawaing panaklolo, at mayroon itong sapat na kagamitang medikal.
Salin: Andrea