Ayon sa estadistikang ipinalabas kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 4,011 ang naitalang bilang ng mga nasawi sa iba't ibang lugar ng Pilipinas na sinalanta ng super typhoon "Yolanda." Samantala, 18,557 katao naman ang sugatan, at 1,602 iba pa ang nawawala.
Ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Pilipinas, na umabot na sa 24 na libo ang mga personaheng panaklolo, mga 1306 na sasakyan, 104 na bapor, at 163 eroplano ang nakadeploy sa gawaing panaklolo. Sa kasalukuyan, may 88 grupong medikal ang nagseserbisyo sa iba't ibang lugar ng binagyong lugar, kabilang dito, 43 ang galing sa mga bansang dayuhan.
Hinati ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga binagyong lugar sa maraming rehiyon, at base rito, itinatalaga ang mga dayuhang grupong panaklolo, para pataasin ang episyensiya ng aksyong panaklolo.