|
||||||||
|
||
Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa himpilan ng China Radio International sa Beijing.
Sa pakikipagtulungan ng Liwayway Marketing Corp. China, tagagawa ng Oishi, isinagawa ng Serbisyo Filipino ngayong araw ang baratilyo na naglalayong kumalap ng pondong pang-abuloy sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Tinangkilik ito ng mga kawani ng CRI na mula sa iba't ibang tanggapan at language services. Sa pamamagitan nito ay naipakita nila ang pakikisimpatya sa mga biktima ng bagyo.
Nakakataba ng puso ang ilang nag-abot pa ng hiwalay na donasyon bukod sa pagbili ng mga produkto. Bukod dito, mayroon pang isang Tsino na gumawa ng mga hikaw at ibang palamuti na ibinenta rin sa baratilyo. Aniya, ang mga kikitain ay kanya ring iaabuloy sa mga biktima ni Yolanda.
Hanggang ngayong araw umabot sa 5,122 RMB ang benta ng baratilyo at lahat ng ito ay iaabuloy sa GAWAD KALINGA.
Bukas muling isasagawa ang ikalawang araw ng baratilyo at inaasahang tataas pa ang makakalap na pondo.
Taos puso ang pasasalamat ng Serbisyo Filipino sa lahat ng sumuporta at lalung-lao na kay G. Larry Chan, Chairman ng Liwayway Marketing Corp. China.
Maraming salamat po at Mabuhay!
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |