Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Materyal na panaklolo mula sa Tsina, dumating ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-11-21 10:20:48       CRI

Ipinahayag kahapon ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na naihatid na sa Mactan Cebu International Airport ang dalawang batch ng mga materyal na panaklolo mula sa Tsina noong ika-18 at ika-19 ng buwang ito, sa pamamagitan ng China Eastern Airlines at China Southern Airlines, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga ito, anang Embahadang Tsino ay para tulungan ang mga mamamayang Pilipinong apektado ni supertyphoon "Yolanda."

Kabilang sa mga nakarating na materyal ay 10,000 blangket at 2,600 tolda. Maaaring panirahan ng 6 hanggang 10 tao ang bawat tolda. Nagkakahalaga naman ang lahat ng naturang materyal ng 10 milyong Yuan Renminbi o mahigit 71 milyong piso.

Sa paliparan, nagdaos ang Embahadang Tsino at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Pilipinas ng maikling seremonya. Ipinahayag ng panig Pilipino ang pasasalamat sa panig Tsino sa pagkakaloob ng mga ito. Anang DSWD, kailangang-kailangan ito ng mga apektado ng bagyo.

Peace Ark, lumisan ng Tsina papuntang Pilipinas

Dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila ang unang grupong panaklolo ng Tsina. Nakatakdang dumating naman sa Pilipinas ngayong araw ang hospital ship na "Peace Ark" ng tropang pandagat ng Tsina.

Binubuo ang 18 miyembrong grupong panaklolo ng mga tauhan na namamahala sa paghahanap at pagliligtas sa mga biktima, tauhang medikal, at community workers. Tutungo sila sa Tacloban City sa lalong madaling panahon, para isagawa ang 15 araw na gawaing panaklolo roon.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong hapon ang isa pang grupong panaklolo ng Tsina.

Nakatakda ding umalis ngayong araw ang hospital ship na "Peace Ark" ng Tsina patungo sa Pilipinas para lumahok sa gawaing panaklolo, at mayroon itong sapat na kagamitang medikal.

Salin: Jade, Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>