Umalis kagabi sa Hangzhou, Lalawigang Jiangsu ng Tsina patungo sa Pilipinas ang isang emergency medical team ng pamahalaang Tsino na binubuo ng 50 miyembro, para isagawa ang pangkagipitang tulong sa mga mamamayang naapektuhan ni bagyong Yolanda.
Ang mga miyembro ng nasabing grupo ay mahusay doktor at dalubhasa sa paggamot, pagpigil at pagkontrol ng mga sakit. Marami sa kanila ay lumahok sa gawaing panaklolo sa 2008 Sichuan earthquake.
Pagkaraang dumating sa Pilipinas, ayon sa kahilingan ng pamahalaang Pilipino, itatatag ng grupong medikal ang isang field hospital para mabigyang-lunas ang mga nasugatan at mga may sakit, at tumulong sa pagpigil at pagkontrol ng mga sakit.