Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Yolanda," nakaapekto sa 13 milyong katao

(GMT+08:00) 2013-11-19 18:59:39       CRI

"Yolanda," nakaapekto sa 13 milyong katao

 

NAGPAPATULOY ANG BUHAY. Makikita sa larawan ang batang karga ng kanyang ina sa labas ng Simbahan ng Ormoc. Humihiling ng lawa-lawa (cotton candy) ang bata. Puno ang simbahan ng mga mananampalataya kahit pa butas ang bubong ng simbahan at maraming tahanan ang nawasak ni "Yolanda." (Melo Acuna)

PAGLIKAS NG MGA MAMAMAYAN MULA SA LEYTE KARANIWAN. Halos lahat ng biyahe ng barko, fastcrafts at eroplano mula sa Leyte ay kakikitaan ng mga bata at ng kanilang mga magulang na patungo sa Cebu o Maynila upang pansamantalang manirahan sa mga kamag-anak. (Melo Acuna)

PATULOY na lumalaki ang bilang ng mga mamamayang apektado ni "Yolanda." Ayon sa Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, tinataya ng pamahalaan na 13 milyong Pilipino ang apektado ng pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng pamahalaan ng Pilipinas, higit na sa apat na milyong katao ang walang tahanan samantalang 392,470 ang naninirahan sa 1,587 evacuation centers sa Western at Eastern Visayan regions. Hirap pa ring puntahan ang mga liblib na pook.

Ang United Nations Humanitarian Air Service ay nagsimulang magdala at maghatid ng mga humanitarian staff at cargo. Tinatayang may 2.5 milyon ang nangangailangan ng pagkain. Nakapagbigay na ang United Nations at pamahalaan ng pagkain para sa 1.1 milyong biktima. Namahagi na ang pamahalaan ng 836,900 food packs. Mayroong 43 international medical teams ang dumadalo sa pangangailangan ng mga mamamayan sa Capiz, Cebu, Leyte at Eastern Samar.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>