Ipinatalastas kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang alas-seis kahapon ng hapon, umabot na sa 2357 ang naitalang bilang ng mga nasawi sa iba't ibang lugar ng Pilipinas na sinalanta ng super typhoon "Yolanda." Samantala, 3853 katao ang nasugatan, at 77 iba pa ang nawawala.
Sa ulat na pinalabas, nabatid na may mahigit 1.87 milyong pamilya na mayroong 8.67 milyong katao ang apektado mula sa 43 lalawigan. May 818 libong katao ang nawalan ng tahanan, kabilang dito, 338 libo ang pansamantalang naninirahan sa mahigit 1 libong evacuation centers.
Mayroon ding mahigit 130 libong pabahay ang gumuho, at may iba pang 110 libo ang nasira sa iba't ibang digri. Hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 4 bilyong Piso ang iniulat na kapinsalaang pinansiyal ng imprastruktura at pananim.