Isang kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ang narating kahapon sa Geneva sa pagitan ng Iran at 6 na bansang kinabibilangan ng Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya. Ayon sa kasunduan, ititigil ng Iran ang mga aktibidad ng uranium enrichment sa loob ng susunod na anim na buwan, para mabawasan ang sanksyon mula sa komunidad ng daigdig.
Positibo ang Iran sa paglagda sa naturang kasunduan.