Hiniling kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa mga senador na ipagpaliban ang pagpapataw ng bagong sangsyon sa Iran. Ipinagdiinan niyang may resposibilidad siyang lutasin ang isyung nuklear ng Iran sa pamamagitan ng diyalogong diplomatiko.
Winika ito ni Obama sa dalawang oras na closed-door meeting na nilahukan ni Kalihim ng Estado John Kerry, Tagapayo sa Pambansang Seguridad na si Susan Rice, at mga puno ng iba't ibang komite ng Senado.
Sa isang preskon kahapon, sinabi ni Jay Carney, Tagapagsalita ng White House na buong-liwanag na ipinahayag ni Obama na ang mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Iran ay angkop sa interes ng pambansang seguridad ng Amerika.
Salin: Jade