Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rescue team ng Tsina, dumating sa Tacloban

(GMT+08:00) 2013-11-25 17:25:16       CRI
Kahapon, ang Peace Ark, hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina, ay dumaong sa baybayin ng Tacloban, kabisera ng lalawigang Leyte ng Pilipinas. Ang Tacloban ay isa sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda. Nang araw ring iyon, sa bakuran ng munisipyo ng Tacloban, itinayo ng pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society ng Tsina, ang isang tolda bilang pansamantalang ospital, at sinimulan na ang mga gawaing medikal.

Noong ika-8 ng buwang ito, ang napakalakas na bagyong Yolanda ay dumating ng Pilipinas na nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bansang ito. Ipinatalastas kamakalawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pilipinas na hanggang sa kasalukuyan, ang bagyong Yolanda ay ikinamatay na ng 5235 tao, ikinasugat ng mahigit 23 libo, at 1613 tao ang nawawala. Ang Yolanda ay nakapinsala sa mga bahay at imprasturktura ng Gitnang Bisayas, sa mga nasalantang bayan, nawalan ng tirahan ang mga mamamayan, kulang ang tubig-inumin at pagkain, nawalan din ng koryente.

Noong ika-23 ng buwang ito, dumating na sa Tacloban ang 30 tauhan ng pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society ng Tsina. Isinalaysay ni Peng Bibo, medical director ng naturang rescue team ng Tsina na ipinadala ng pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society ng Tsina ang maraming gamot at pasilidad na nagkakahalaga ng milyong-milyong yuan RMB, ito ay maaring makatugon sa medikal na pangangailangan ng may 10 libong tao.

Sinabi rin ni Zhang Yong, miyembro ng naturang grupo na, sa Tacloban, may 400 tao ang nawawala, at nakita ng rescue team ng Tsina ang isang biktima. Nakipag-ugnayan na ang panig Tsino sa kinauukulang panig ng Pilipinas para simulan ang malaking saklaw na rescue work sa lalo madaling panahon.

Isinalaysay rin ni Zhao Baige, Executive Vice President ng Red Cross Society ng Tsina na ang naturang rescue work ng Tsina sa Pilipinas ay magkasanib na isinagawa ng 3 panig: hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina, medical team ng National Health and Family Planning Commission ng Tsina, at pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society ng Tsina. Sinabi niyang sa kasalukuyan, ang gawain ng pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society ng Tsina ay pumasok sa pangkagipitang yugto, ang nilalaman ng mga rescue work ay kinabibilangan ng paghahanap ng mga tao, serbisyong medikal, at ibang kinakailangang relief work.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>