Ipinahayag ngayong araw sa Sydney ng Australia ni Aung San Suu Kyi, Puno ng National League for Democracy ng Myanmar, na nakahanda siyang lumahok sa halalang pampanguluhan sa taong 2015.
Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na bigyang pansin ang kaniyang mga gawain para pasulungin ang reporma sa Myanmar.
Dumating kahapon sa Sydney si Aung San Suu Kyi para isagawa ang kanyang limang araw na kauna-unahang pagdalaw sa Australia. Pagkatapos ng Sydney, bibisita siya sa Canberra at Melbourne.
Salin: Ernest