Sinabi ngayong araw ni Herminio Coloma Jr., Kalihim ng Presidential Communications Operations Office ng Pilipinas, na dinagdagan ng pamahalaan sa 40.9 bilyong Piso ang badyet para sa rekonstruksyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon pa rin kay Coloma, sa pulong ng gabinete kahapon, ginawa ang Yolanda Recovery and Rehabilitation Plan. Batay sa planong ito, dahil may dagdag na kinakailangan para sa pagkukumpuni ng mga gusali at pasilidad ng mga lokal na pamahalaan, mga istasyon ng pulis at bumbrero, at mga public market, dinagdagan sa kasalukuyang halaga ang badyet mula noong 38.8 bilyong Piso. Kabilang dito, 67% ng badyet ay gagamitin para sa rekonstruksyon ng mga imprastrukturang pampubliko, 12% naman ay para sa pagdaragdag ng hanapbuhay sa mga binagyong lugar, at ang mga nalalabi ay pupunta naman sa rekonstruksyon ng mga pasilidad ng mga lokal na pamahalaan, at pagpapanumbalik ng mga serbisyong pampubliko.
Salin: Liu Kai