Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na agarang sinimulan ng mga grupong medikal ng Tsina ang mga gawaing panaklolo pagdating nila sa mga lugar na sinalanta ng Supertyphoon "Yolanda". Hanggang ngayon, mahigit isang libong maysakit at sugatan ang ginamot na ng nasabing mga grupong medikal.
Sinabi pa ni Qin na bukod sa mga grupong medikal, nakarating din sa mga nasalantang lugar ang gurpo ng paghahanap at pagliligtas at medical ship na "Peace Ark" ng hukbong pandagat ng Tsina.
Magkahiwalay na dumating ng Baybay at Tacloban ang grupong medikal ng Pamahalaang Tsino at grupo ng paghahanap at pagliligtas ng Red Cross ng Tsina noong ika-23 ng buwang ito. Dumaong din ng Leyte ang Peace Ark noong gabi ng ika-24 ng buwang ito.
Ang mga serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng mga manggagamot na Tsino ay kinabibilangan sa internal medicine, surgery, orthopaedics, paediatrics, gynecology at iba pa.
salin: Jade