|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Hassan Rohani ng Iran ang pagtatatag ng pangalawang nuclear power station sa lalawigang Bushehr. Binigyang-diin din ng Ministring Panlabas ng Iran na ang planong nuklear ng bansa ay para sa layuning pangkapayapaan, at hindi ito banta sa ibang bansa.
Ayon naman sa Atomic Energy Agency of Iran, umaasa ang Iran na maitatatag, kasama ng Rusya, ang nabanggit na pasilidad na nuklear sa susunod na taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |