Sinabi kahapon ni Xu Haoliang, Asistanteng Direktor at Puno ng Departamento ng United Nations Development Programme (UNDP) sa Asya-Pasipiko, na isinagawa na ng UNDP at iba pang organo ng UN, ang mga aktibidad na gaya ng "Labor for Cash" sa Pilipinas para tulungan ang mga apektadong mamamayan ng bansa na mapanumbalik ang kaayusan ng kanilang pamumuhay.
Sa isang preskong idinaos nang araw ring iyon sa New York, punong himpilan ng UN, isinalaysay ni Xu ang kasalukuyang kalagayan ng rekonstruksyon ng Pilipinas. Aniya, ayon sa estadistika ng panig Pilipino, ang super typhoon "Yolanda" ay ikinamatay ng 5,560 katao, at ikinawawala ng 1,757 iba pa. Mahigit 14 na milyong populasyon sa bansa ang apektado ng naapektuhan ng bagyong ito, at mahigit 3.6 milyong katao sa mga ito ang nawalan ng kanilang tirahan.
Salin: Li Feng