Matapos payagan ng mga pulis kahapon, pumasok ang mga demonstrador kontra sa pamahalaan sa Prime Minister Office at Bangkok Police Office at matapos nito umurong sila at pansamantalang napahupa ang tensyon sa nasabing mga lugar. Nanawagan si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand sa iba't ibang sektor ng lipunan na sama-samang ipagdiwang ang nalalapit na kaarawan ng Hari ng Thailand at inanyayahan niya ang mga kinatawan mula sa iba't ibang panig na lumahok sa "Porum ng Bayan," para talakayin ang mga suliraning pambansa.
Itinuturing ng mga nasa oposisyon na ang pagpasok sa Prime Minister's Office "staged success," ipinahayag ni Suthep Thuagsuban, Lider ng mga kontra pamahalaan na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pakikibaka laban sa "Sistema ni Thaksin Shinawatra."
salin:wle