Patuloy hanggang kahapon ang pagsugod ng mga demonstrador na Thai sa mga mahahalagang departamento ng pamahalaan na gaya ng Palasyong Pampunong Ministro, kawanihan ng pulisya ng Bangkok, at Gusali ng Parliamento. Muling ginamit ng mga pulis ang tear-gas grenade para mapigil ang mga ito. Hanggang alas-siyete ng gabi kagabi, hindi napasok ng mga demonstrador ang naturang mga departamento, at magkakasunod silang umurong papunta lugar ng demonstrasyon sa paligid ng Democracy Monument.
Sa harap ng mahigpit na situwasyong panseguridad, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand ang kahandaang resolbahin ang lahat ng lehitimong kahilingan ng mga personaheng kontra-pamahalaan, na kinabibilangan ng pagbuwag ng kongreso o pagbitiw niya sa tungkulin. Ngunit tungkol sa kahilingan ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyong ito, na buuin ang "Parliamento ng mga Mamamayan," at bigyan ng kapangyarihan ng pamamahala sa estado ang mga mamamayan, tinanggihan ito ni Yingluck.
Salin: Li Feng