Kaugnay ng pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Hapon ng resolusyon na humiling sa Tsina na tanggalin ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) nito sa East China Sea, nagpalabas kahapon ang Lupong Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ng pahayag na nagsasabing ang ADIZ ng Tsina ay itinakda batay sa pandaigdigang batas at mga regulasyong pandaigdig, kaya matatag na tinutulan ng NPC ang naturang resolusyon ng Hapon.
Bukod dito, hinimok ng NPC ang panig Hapones na itigil ang mga aksyong probokatibo para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa East China Sea.