Ipinatalastas kamakalawa ng Norway at Denmark na magkasanib na aalisin ng dalawang bansa ang mga sandatang kemikal at mga may kinalamang materiyal mula sa Syria para sirain ang mga ito.
Ayon sa magkasanib na pahayag ng naturang dalawang bansa, ito'y para isakatuparan ang mga resolusyon ng UN Security Council. Bukod dito, ipinagkaloob na ng naturang dalawang bansa ang mga tulong para sa mga aksyon na pinamumunuan ng UN at Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) upang sirain ang mga sandatang kemikal ng Syria.
Ang nasabing magkasanib na aksyon ng Norway at Denmark ay isasagawa pagkatapos makuha ang pahintulot ng mga parliamento ng dalawang bansa.