Kaugnay ng muling pagdaraos ng pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria sa Geneva sa ika-22 ng darating na Enero, nagpahayag kahapon ang Ministring Panlabas ng Syria ng mainit na pagtanggap tungkol dito. Sinabi ng naturang ministri na lalahok ang bansa sa naturang pulong, at binigyang-diin din nito na nagsisikap ang Syria para puksain ang terorismo sa bansa.
Nauna rito, maraming beses na ipinahayag ng Pamahalaan ng Syria na hindi ito naglalagay ng paunang kondisyon sa diyalogo. Aniya pa, dapat pagpasiyahan ng mga mamamayan ng Syria ang pag-aalis o pananatili ni Bashar al- Assad.
Salin: Li Feng