Sa kanyang pakikipagtagpo kamakalawa sa Bahrain kay Monzer Akbik, Puno ng National Coalition of Syrian Revolutionary and Oppositon Forces, sinabi ni Wu Sike, Sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan, na ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Syria ay ang tanging paraang makakatulong sa interes ng estado at mga mamamayan nito. Umaasa aniya siyang aktibong lalahok ang ibat ibang paksyon ng Syria sa ikalawang pulong sa Geneva, para marating ang kasunduang suportado ng mga may kinalamang panig.
Sinabi naman ni Akbik na ang Tsina ay kaibigang bansa ng Syria. Positibo aniya siya sa mahalagang papel ng Tsina sa isyu ng Syria, at ipagpapatuloy ng Koalisyong Oposisyon ang pakikipag-ugnayan sa Tsina hinggi sa nasabing isyu.