Inulit ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtatakda ng Air Defense Identification Zone(ADIZ) sa East China Sea ay lehitimong karapatan ng panig Tsino na umaayon sa pandaigdigang batas at pamantayan.
Kaugnay ng pananalita ni Fumio Kishida, Ministrong Panlabas ng Hapon na umano'y ang pagtatatakda ng ADIZ ng Tsina sa East China Sea ay isang aksyong unilateral para baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng Diaoyu Islands. Sinabi ni Hong na sa isyu ng Diaoyu Islands at East China Sea, ang Hapon ay iyong bansang nagsimula ng hidwaan at nagbago ng kasalukuyang kalagayan. Dagdag pa ni Hong na magsasagawa ang panig Tsino ng mabisang pagmomonitor at pamamahala sa ADIZ batay sa mga may kinalamang batas at pamantayang pandaigdig. Samantala, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang pakikipag-uugnayan sa mga may kinalamang bansa sa mga isyung teknikal batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at paggagalang sa isa't isa para magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan at kaayusan ng paglipad sa rehiyong ito.