Sina Liu Yandong at Nay Pyi Taw
Nag-usap kagabi sa Nay Pyi Taw sina Liu Yandong, Pangalawang Premiyer ng Tsina na dumadalaw sa Myanmar at Nyan Tun, Pangalawang Pangulo ng Myanmar.
Mininit na tinanggap ni Nyan Tun ang pagdalo ni Liu sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-27 South-east Asia Games (SEA Games) na idinaraos sa Myanmar at nagpasalamat sa teknikal na tulong na ibinigay ng Tsina sa SEA Games. Ipinahayag ni Nyan Tun na ang relasyong pangkaibigan nila ng Tsina ay isang pundamental na patakarang diplomatiko ng Myanmar. Nananalig siyang aktibong magpapalitan ang dalawang bansa sa iba't ibang larangan na may mutuwal na kapakinabangan.
Inaasahan ni Liu na magiging matagumpay ang SEA Games, at masayang-masaya aniya siya kooperasyon ng dalawang bansa sa palakasan. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na matatag na palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin:wle