Binalangkas ngayong araw ng Pamahalaang Hapones ang "Interim Defense Force Preparedness Plan" kung saan nakasaad ang pag-aangkat ng pinakabagong early warning aircraft system at unmanned air reconnaissance vehicle (UARV) para mapalakas ang kakayahang panghimpapawid ng bansa upang protektahan ang seguridad ng mga islang nakapaligid dito.
Pinagtibay din ang balangkas ng Pambansang Estratehiyang Panseguridad at bagong "National Defense Program Guidelines."
Ayon sa bagong National Defense Program Guidelines, itatayo ng Self- Defence Force ang regular mekanismo ng pagbababala at pagmo-monitor para maigarantiya ang kaligtasan ng teritoryong pandagat at panghimpapawid ng bansa.
salin:wle