|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Jakarta si Purnomo Yusgiantoro, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Indonesia at ang kanyang counterpart na si Chang Wanquan mula sa Tsina, hinggil sa kalagayang panseguridad ng Timog Silangang Asya at Silangang Asya; relasyon ng dalawang hukbo at dalawang bansa; at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan nila ang ibayo pang pagpapahigpit ng kooperasyon ng hukbo ng dalawang bansa para harapin ang kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Chang na umaasa ang Panig Tsino na mananatili ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon. Ang isyung ito, dagdag niya ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibag may direktang kinalamang panig na kinabibilangan ng Tsina.
Bukod dito, ipinaliwanag din ni Chang ang paninindigang Tsino sa isyu ng Diaoyu Islands at Air Defense Identification Zone sa East China Sea.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |